Ang saya saya
Naranasan mo na ba na parang sinukluban ka ng langit? Na naitanong mo sa sarili mo na “bakit, o bakit nangyari sakin toh?”
Kakatapos ko lang magbihis at naisipan kong ikulot ang buhok ko. Wala lang. Trip lang. Walang magawa eh. Para new look. So habang basa buhok ko ay iniikot ikot ko siya gamit ang daliri ko. In fairness ay kumukulot naman siya. Pero maya onti ay nawawala rin. Tapos pumunta ako sa sala. At dun may nakita akong brush. Hindi ito ordinaryong brush. Pabilog siyang brush, kulay itim at sa nanay siya ng boypren ko. Ginamit ko. Tutal walang tao sa sala kundi ang anak ko, inikot ko siya hanggang anit. At dun may narealize ako. Na once na inikot ko siya hanggang anit ay hindi ko na mababalik. AMPOTAH! Hindi ko na nga matanggal. Punta agad akong CR. Tingin ako sa salamin. Shet! Ayaw matanggal. Ang higpit. Panik ako sa taas. Pinuntahan ko boypren ko.
ako: chris help me naman (with matching tulo ng luha)
chris: (may badya ng pagkagulat) anong nangyari sayo?
ako: eh inikot ko ung brush eh. di ko na matanggal. tulungan mo naman ako.
chris: ano ba naman kasing pumasok sa utak mo.
ako: walang magawa eh.
*at natawa lang siya
ayun. Mahigit isang oras kaming andun. Ang last resort niya, pukpukin ng martilyo ung brush na nakapalupot sa brush. Langya kasi. Ano nga ba naman pumasok sa isip ko? tsk tsk Nang matapos martilyuhin, ayun lagas lagas buhok. Alam mo itsura nung nasunog na buhok, ganun na ganun.
At eto pa pala, habang minamartilyo niya ang buhok ko ay dumating ang nanay niya. O hindot!
mama: o nangyari jan?
ako: eh yung brush po kasi ayaw nang matanggal sa buhok ko.
mama: anong brush?
ako: yung nasa sala po.
chris: ma alis kana. dun ka na sa sala.
mama: (natatawa) hayaan mo iha di na ako bibili ng ganung brush. (sabay alis habang natatawa)
langya! isa ito sa pinakasusumpa kong araw.
Ang ending, kinabukasan ay nagpagupit ako kaya ngayon New Look ako.
Moral lesson: Wag tatanga tanga.