mga nakikita ko sa daan
ewan ko kung ano yung reason kung baket habang naglalakad ako sa kahit anong kalye eh lage akong nakikita na nakakainis ewan ko kung nakaka inis din sila para sa inyo pero sakin sobrang oo. na halos nakaka isip ako ng mga bagay na gusto kung gawin sa kanila kung meron lamang pag kakataon.. hahaha kaya lang yung mga naiisip ko medyo “nakakasakit o siguro ma itutuuring ng criminal act hahaha” eto ung mga nakikita ko nakakainis at mga gusto kung gawin sa kanila..
1. Cellphone/mp3 blingster
mga taong naglalakad sa kalsada na ginagawang pendant ang kanilang mga cellphone and mp3 player.. hinde ko alam kung sadyang mayabang sila or mga tanga lang sila.. hinde ba nila na isip na pwedeng mahablot or manakaw yun sa kanila syempre lalo nung kung magaganda at hi-tech yung mga gadgets nila.. okay lang sana kung ung cellphone nila is napaka jurassic na kahit mag nanakaw ay hindi pag iinteresan pa yun hahaha for example ung unang labas na phone ng talk and text buhay pa si rico yan nun itsurang remote control saka yung 5110 na parang ikakamatay mo pag pinukpok sayo ng magnanakaw sa ulo mo sa sobrang inis dahil hindi na nya mabebenta yun, oo may taste na rin ang magnanakaw ngayon marunong ng mamili. hahaha nakakatawa kasi pag nanakawan yung mga taong ganito eh sobrang galit nila sa magnanakaw pero hindi nila naiisip na may kasalanan din sila syempre easy target na sila eh and nakaka temp yun hahaha.
eto ang gusto kung gawin sa kanila… pag nakasalubong ko sila iggreet ko sila ng hi sabay hablot ng gadgets nila na ginagawa nilang pendant at pag kakuha ko hindi ako tatakbo ibabato ku lang ung gadget sya sa sahig sa harap nya mismo at aapakan ko with matching pang gigigil at dudurugin ko talaga sabay sasampalin ko sya sa magkabilang pisngi at aarte na parang ako pa ang galet sabay sisigawan ko sya ng TANGA! cguro mga tatlong beses.. hahaha. sabay alis malamang matutulala yun pero pag nataohan na sya tatakbo na ako mahirap na eh.. hahaha
2. the pollutants
mga taong panay ang sigarilyo tapos buga ng buga ng usok kahit may mga dumadaang tao.. pambihira pano naman ung mga taong hinde nag yoyosi diba? nadadamay na sa kabalastugan ng mga yosi boy ang girls na yan.
mas nakakainis yun lalo na kung hinde naman bagay sa kanila mag yosi, yung iba kasing na ninigarilyo nag mmukhang sanggano lang eh! pag babae naman nag mumukhang pokpok na walang customer!! hahahaha.. ayun nakakainis eh hahah lalo na para skin dahil hindi naman ako naninigarilyo.. dapat kung mag yoyosi dun sa talagang smoking area ang kung hindi naman!, dahan dahan sa pag buga ng usok. tae kayo hindi kami manok na pang derby..
eto yung gusto kung gawin sa mga ganitong tae este tao pala.. siguro aagawin ko ung yosi nila tapos papatayin ko yung sindi nun sa noo nila sabay duduruan ku saya sa mukha tapos. sasamapali ku sa mag kabilang pisngi. or pag ganado ako sisimuraan ko sya hanggang mawalan sya ng malay or hanggang sabihin nya na hinde na sya mag yoyosi habang buhay.. hahaha pero kung medyo malaking tao yung nag yoyosi syempre baka magulpi lang ako kukuha nalang ako ng something na pwedeng ihamapas sa kanya siguro sa may leeg ko sya hahamapasin ewan ko lang kung gugustohin pa nyang manigarilyo.. hahahaha.. ouch
3. All muscle no brains
waaahahaha eto hinde naman talaga nakakainis pero gusto ko lang sila pag tripan hahaha ung mga malalaking katawan na palakad lakad sa mall na kung maglakad eh akala mo kaya na nila lahat patumbahin dahil malalaki ang katawan nila. na iinis ako lalo na pag tatlo pa silang palakad lakad tapos mga naka sando lang hahaha.. sakop na nila yung buong daanan. mga feeling poge pa!! hahaha simple lang naman gusto kung gawin pag may mga ganon hahamunin ko sila ng suntukan tapos mumurahin ko sila at sasabihan ku ng mga bobo kayo!! hahaha syempre anong labang ko dun dba? pag lumapit na sila mag ssorry na ako hahaha at mag ppeace sign. sympre dahil maliit lang ako hinde na ako papatulan nung mga yun at lalakad nalang sila palayo saken habang tumatawa.. ang hinde nila alam pag nakatalikod na sila hahampasin ko silang ng tubo sa ulo or sa leeg ewan ko lang kung makapalag pa sila.
PS. hindi po ako salbahing tao minsan lang may mga ganitong pumapasok sa utak ko na minsan talagang nakakatawa para sa akin.. katuwaan lang hahahaha peace!!! hindi ako seryoso!! wahahaha
Sunday, August 19th, 2007 @ 4:19 pm08
hahaha, nakakatuwa naman mga pananaw mo sa mga bagay na naiirita ka, talagang gusto mong manakit, ha? pero in fairness, if you need to hurt these people in order for them to realize their stupidity…..”akong hahawak, ikaw pumalo!” hahahaha
Friday, November 2nd, 2007 @ 4:19 pm11
haha